Hay, ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, nabalitaan ko na buntis ang kapatid kong si Pachuchay, tapos nagpakasal tapos ayan, isinilang niya si Ysabella, ang aking kauna-unahang pamangkin...
Mahilig ako sa bata, siguro alam ng maraming tao yan una kase sa dinami-dami ng inaanak ko. Bata pa lang ako, napasabak na ako sa mga binyagang ako ang Ninang. Nakakatuwang isipin na marami na rin palang mga magulang ang nagtitiwala sa akin na isa sa mga gagabay sa anak nila, nakakalungkot nga lang na gusto mo man na maging involved palagi ay hindi mo naman kaya. Sa mga inaanak ko, lista lang muna, mahal naman kayo ni Ninang! Hehehehe!
Mabalik tayo kay Ysabella, oo, ninang din niya ako. Ako ang kanyang Tita Ninang Ganda. Masaya ako na napili ako ng kapatid ko, pakiramdam ko talaga na gusto niya ako maging involved sa lahat ng aspeto ng pagpapalaki sa kanyang unica hija. Mahal na mahal ko si Ysabella parang anak, kahit hindi pa ako ang nagluwal sa kanya.
Kahit magkalayo kame, masaya pa rin ako kase salamat sa Skype, napapanood kong lumaki unti unti ang aking mahal na pamangkin. Grabe, ang bilis talaga ng panahon, mag-iisang taon na si Ysabella...
Parang kailan lang, bagong panganak pa lang siya...
Tapos nalingat ka lang ng konti, lumaki na siya...
Araw araw mohalos nakikita sa webcam, di ka pa rin makapaniwala gaano siya kabilis lumaki...
No comments:
Post a Comment