I have finally reconciled with my inaamag na na treadmill. Naiinis na kase ako sa Daddy ko, talo pa babae sa pagka-nagger! Minsan talagang below the belt na mga hirit niya, talk about tough love. Worried na daw siya about my weight so one of his favorite hobbies ay ang uratin ako. Excuse me for the term...
Oo mahal niya ako, pero saan ka nakarinig ng hirit na:
"Tatanda kang dalaga kapag di ka nagpapayat!"
"Let go mo na ang pics mo nung payat ka pa, face reality na."
I mean WTF? Masama ba to appreciate your old beautiful pics? I mean is 2 years really that long ago??
Well, honestly, it is.
He would always work Saturdays, so relax ako pag Saturdays just like weekdays. One day, Daddy came home sad, wala na daw sila work Saturdays, bawas daw sa kita. Ang Daddy ko kapag nawawalan ng work nadedepress, hayok sa kita. Mahirap na kase ang buhay ngayon...
And now that he is here, goodbye to my hilata and kain Saturdays. Madadagdagan na naman ang moment ko with Daddy. I mean, I love him, pero talaga minsan he gets to my nerves. Siguro he is starting to become hopeless. Gusto na daw niya ng apo. Hello Daddy, andyan si Bella! Palibhasa kase malayo si Buchukay namin.
May konswelo ka naman minsan eh:
(Nagluluto ako nakatalikod) "Hay naku anak, pag nakatalikod ka ayus na, wag ka lang haharap, kita ang tiyan mo..." WTF?
"Anak, sayang ang mukha mo. Maganda ka pa naman, papayat ka na."
At ang the best sa lahat, kasali pala Mommy ko sa kantsawan:
"Gusto mo umuwi ng Pilipinas? MAGPAPAYAT KA!"\
So friends, I guess ilang years niyo ko di makikita... 10 years? Wag naman sana!
No comments:
Post a Comment