
Hindi man ako ang pinakamalaking fan ni Michael Jackson pero fan pa rin naman... Para sa akin, isa siya sa boses ng aming henerasyon, naks!
Bata pa lang ako kilala ko na si Michael Jackson at ang mga kanta niya. Sa katunayan nga ay meron pa nga kame VHS compilation ng lahat ng kanyang music videos.
Nung high school nga tuwing may program sa school, ilang beses na rin namin ginamit ang kantang "Heal the World" may matching acting at interpretative dance din ito ha!
Marami na ring mga musicians ang gumawa ng sarili nilang covers sa mga kantang pinasikat ni MJ, isa talaga siyang icon sa mundo ng musika.
Kahit pa gaano karami ang skandalong dinaanan niya sa buhay niya, di pa rin mababawasan ang paghanga ko sa galing niya bilang isang total performer. Moonwalk anyone? No one else comes close talaga.
Ngayon at the age of 50, biglaan siyang pumanaw. I know the world will never be the same without Michael Jackson.
Oo, affected ako ng konti. Dahil parang mga kanta ng Eraserheads, kapag naririnig ko ang mga kanta ni MJ, it brings back good memories mula pagkabata hanggang sa aking paglaki.
Yun lang, gusto ko lang sumulat ng isang maikling tribute para sa kanya...
Michael Jackson may be gone but his legacy still lives on... He will forever be THE King of Pop. I guess watching him perform live onstage would have to be taken out of my bucket list... Sayang naman...
Nga pala, share ko lang isa sa mga paborito kong kanta niya:
"If you wanna make the world a better place, take a look at yourself then make that change..."
No comments:
Post a Comment