Wednesday, June 17, 2009

Buhay OFW: Ang pagbabalik

I will never forget November 2008, sa buwan na ito, natanggap ko ang isang hindi magandang balita... For the first time in my life, I experienced getting laid off. Recession bit me in the ass, ang sakit...

Alam ng mga kaibigan at pamilya ko dito sa US ang nangyari sa akin, pero marami sa mga kaibigan ko sa Pinas, siguro di pa alam. Masakit para sa akin, financially, emotionally, psychologically, basta yun, masakit. Masakit sa pride ko lalo, aaminin ko, I cried after I got the bad news.

Masakit for me dahil nung panahon na yon, naalala ko bigla ang buhay ko sa Pilipinas. Maganda ang trabaho ko, maayos naman ang buhay ko. Kumportable, I had everything I needed and even have extra for the things I wanted. Tinalikuran ko ang lahat ng iyon para makipagsapalaran dito sa US, totoo sabi nila, ibang iba talaga dito. Ibig ba sabihin nito ay pinagsisihan ko ang naging padalos-dalos kong desisyon? Looking back, wala ako ni-isang pinagsisihan. Naniniwala ako na lahat ng bagay may dahilan, wala ka na mababago sa nakaraan, pero marami kang matututunan. Nagpapasalamat ako sa lahat ng nangyari sa akin dito sa US, walang pagkurap kong sasabihin sa lahat na I am a better person because of everything that happened to me.

Getting laid off is not the end of the world, kahit na nung umpisa ganun ang naramdaman ko. Never be discouraged and never feel inferior, hindi ibig sabihin na hindi mo ginampanan ng mabuti ang trabaho mo. Sa kaso ko, it was a matter of wrong timing, I was the last one in, so I was the first one out. Kung alam mo ang kalidad ng trabahong ginagawa mo, hindi ka dapat makaramdam na hindi ka naging mabuting manggagawa kaya ka nila pinakawalan. I worked every single day, I was never absent, never late. I made sure everything is finished for the day and I made sure everything was done correctly and above standards, pero yun pa rin ang naging ending ko. It was a business decision, which I perfectly understood. I cried because it's normal for you to feel sad after an unfortunate event. After that, shake it off, move forward.

Maswerte pa nga ako dahil nung sinara na ang houseware division, naligwak na rin yung boss ko na si Morris at ang kasama niyang si PJ. Inabsorb lamang ako ng may-ari, kahit paano ay nagkaroon pa rin ako ng trabaho for some time, well, until they decided to let me go.

Malungkot sa opisina noon, lima din kami na natanggal, may mga sumunod pa na 2 nung nakaalis na kame.

Ganyan talaga ang buhay, walang kasiguraduhan. Kaya sa mga kaibigan ko, ito lang masasabi ko, do not swell on the past, tapus na iyun eh, yung nakalipas na segundo, part na ng history, at wag din masyadong managinip about the future, wala talagang nakakaalam ano pwede mangyari, oo, may magagawa man tayo ngayon pero tandaan niyo marami pa rin hindi natin control. Ang pinakamaganda ay mamuhay sa ngayon, pasalamat sa bawat araw na ibigay sayo. Naniniwala ako na kung ano ang kabutihang gawin mo ngayon, ay babalik sayo. Ang ngayon mo, maya-maya past na yan, kung sinigurado mo na ang moment na ito ay naisabuhay mo ng maayos, wala kang tinatawag na regret.

Pagkatapos ng pagsubok na ito sa buhay ko, sinubukan ko din naman bumangon ulit. I tried looking for a job pero I guess, may ibang plano ang Diyos para sa akin. (Naks!)

Sa pagkawala ko ng work, napagdesisyunan ko na sumama sa pamilya ko sa Alabama, kaya ito ako, andito ako sa bahay ng aking mga magulang. It's more practical on my end eh, walang rent. At the same time, makakasama ko na sila ulit after a long time of not seeing them. Home is definitely where the heart is. :)

Sa pagbabalik ko, I tried to pick up the pieces, naks, para naman akong broken na broken! Pero hindi, sinubukan kong iadjust ulit ang buhay ko, nasanay din ako kase mamuhay mag-isa, pasalamat ako at hindi ako nahirapan dahil I have the best parents in the world!

Di rin nagtagal ay nakahanap din ako ng trabaho. Wait, should I say na the job found me? God is good, He gave it to me before I even asked for it! Sabi niya siguro, masyado na mahaba ang bakasyon ko, it's time for me to work na, nauubos na ang funds ko. Hehehehe!

For the first time ever, naranasan ko magwork from home. I would have to say, it ain't bad! ;)

To be continued...

No comments:

Post a Comment