Wednesday, June 17, 2009

Buhay OFW: Ano nga ba ibig sabihin ng STRESS?

Night shift.

Training.

Binder process.

Coaching.

MEMO.

Performance Appraisal.

Regularization.

AHT, ACW, over breaks, team meetings, team building, attendance, meet and greet, sup calls...

Isama mo na rin ang shipping samples, production samples, trucking schedule, shipping deadline, cut off, labels, MOD2...

Nakakaloka! Lahat yan at marami pang iba, mga naranasan ko simula nang magtrabaho ako...

I had a goal: to earn. I didn't waste my time, a week after graduation, I started working for a call center. I heard it's where the money was at that time, and totoo nga ito!

A year at Etelecare, then a week after I resigned, went to Convergys naman, I had 2 wonderful years there. Then I decided to go to the US...

Biglaan ito, biglaan kong iniwan ang aking comfort zone. Oo, masaya ako sa work ko, mahal ko ginagawa ko. Pero kapag ang tao, dumating na sa punto na kaya na niyang gawin ang ginagawa niya kahit siya ay tulog at nakapikit, parang ibang usapan na yun.

I decided, that I need change! Since pupunta Mom and brother ko to be with my Dad sa US, why not grab the opportunity? Fresh start for me, wow, adventure for me! Pero di pala biro ang pakikipagsapalaran ng ganito.

Naka-tatlong trabaho din ako dito sa US, yung pangatlo ang pinakamatagal. Fabric company siya, I was one of the shipping managers. Sa kasamaang palad, sa paghina ng benta, kinailangan nila ako pakawalan, they only needed one, ako ang bago, ako ang unang naligwak sa semis. Alam na naman natin itong parteng ito, yan eh kung binasa niyo yung post ko bago dito.

Sa haba ng panahon na wala akong inatupag kundi gumising sa umaga at magtrabaho, nagising na lang ako isang araw na wala na akong trabaho. Nanghingi ako ng bakasyon, di naman yung permanente eh, pero ito, nabakante din ako ng ilang buwan...

Hanggang isang araw, nung medyo nagbreak muna ako sa paghahanap ng trabaho (nakalipat na rin kase ako sa Alabama nito), bigla bigla na lang, ang trabaho ang nakahanap sa akin. Mahal pa rin talaga ako ng Diyos, He knows what perfect timing is. :)

Balik trabaho ako, pero hindi ibig sabihin ay balik stress na naman ako! Sa tagal kong hinintay na magkaroon ng pagkakataong magtrabaho ng ganito, finally, binigay siya sa akin: I now work from home.

Walang pamasahe para mag-bus, di ko poproblemahin isusuot ko bawat araw, kailangan ko man gumising ng maaga, di ko na kailangan magbigay ng allowance para sa pagbibihis at paliligo.

Bangon, puntang banyo, hilamos, mumog, bukas ng email tapos work na hanggang matapos ko.

It is not an 8-hour job, kung tapos ka na, relax ka na! Magsalang ka muna ng labada habang nagtatrabaho ka, why not? Luto ka muna bago mo ituloy work mo, why not ulit daba?

Mas nagkaroon ako ng time para sa gawaing bahay (naks!) at syempre to catch up with my favorite telenovelas. (ang babaw ko I know). Weekends off din, flexi time pa.

Pero aaminin ko, I don't want to sound ungrateful pero nakakamiss din ang normal work. Ang iyong office barkada na mayayaya mong tumambay at gumimik kapag off or after shift. May kapalitan ka ng ideas about work related issues, you get ideas on how to make your work better. Nakakamiss ang mga meetings na usually nag-turn into chika sessions and kung anu-anung kulitan.

Nakakamiss yung may mahihingahan ka ng sama ng loob or frustrations, pero come to think of it, wala na akong ganyan ngayon sa work ko.

Best of all, I have a great boss! I guess it ain't bad to have your cousin as your boss. (You read that right) Kung tutuusin challenge din na kamag-anak ang boss, pero sa kaso ko, we work well together. Set aside ang relasyon kapag trabaho, be professional. Hindi dahil kamag-anak ay pa-easy easy ka na lang.

Lahat ng experience ko talaga for the past 2 years (wow 2 years na rin pala ako dito), only in AMERIKA! Sometimes I think, kung di ako umalis and stayed in my comfort zone, will I be the Apple that I am now?

Alam niyo na sagot ko dyan, nagpapasalamat ako sa bawat luha, saya, pagod, pagsubok at kung ano ano pa na naranasan ko dito. At the end of the day, mabait pa rin sa akin ang Diyos at swerte pa rin ako sa pamilya at mga kaibigan ko.

Pero, this doesn't stop me from still dreaming of one day going back to the PI and maybe start again? Who knows where life will take me.

On second thought, I think I really do not miss the stress. Hehehehehe! Ay teka, ano nga ba ang ibig sabihin ng stress? Chos!

No comments:

Post a Comment