Wednesday, July 18, 2007

Minsan okay lang na tingnan muna ang ibang tao...



Create your own banner at MyBannerMaker.com!



Before I start, I would like to dedicate this music video to Morris...



Ano nga ba ang tawag nila sa mga taong mahilig tumingin kung ano meron ang kapwa nila at ikumpara palagi kung ano ang meron sa kanila?

Pintasero daw sabi nung isa kong kaibigan... Hindi yun ang hinahanap kong word eh...

Saglit magtatanong pa ako sa isa ko pang kaibigan.

Observant daw. Ayus, hindi pa rin yun ang hinahanap ko pero may point siya.

INGGITERO. Sakto!

Naisip ko rin bigla yung mga kasabihan tungkol sa pagpupuna masyado sa kapwa. Isa na ata dun yung bago mo punahin ang mali ng iba ay tingnan mo muna ang iyong sarili.

"Bago mo tingnan ang mata ng iba, tingnan mo muna kung may sarili kang muta." (salamat Johnny, I was actually trying to be serious sa blog na ito pero keri na rin.)

I hope I got that right. I guess what I am trying to drive at ay wag ka masyadong mamuna ng kapwa mo. Basta yun na yon.

Siguro nag-iisip kayo kung bakit ganito ang tema ng sulat ko ngayon at kung sino ang lalaking pinag-alayan ko ng music video na "Bad Day."

I know that for the past few blogs, masyado akong maraming reklamo sa buhay ko, lalo na sa trabaho. Looking back, I realized na hindi naman pala nakakalula ang mga pasanin at hinaing ko sa buhay. In fairness naman to me, marunong din naman ako magpasalamat sa lahat.

Naisip ko, minsan pala mas maganda na tingnan mo pala muna ang mata ng ibang tao bago mo tingnan ang sarili mong mata kase minsan mas marami pala talaga silang muta kesa sayo kaya kahit may muta ka eh hindi ka na dapat magsalita at magreklamo.

Kung iisa-isahin ko ang reklamo ko sa buhay sa mga nakaraang araw, ito ay ang mga sumusunod:

- Ang baho naman ng area namin sa opisina, amoy patay na daga na may halong utot. (In fairness, nawala na yung amoy daga kase dumating yung exterminator at nakita na meron ngang patay na bubwit sa ilalim ng cabinet ng boss ko)
- Hindi ko feel ang amoy ng boss ko, ano ba yan... (Nung natanggal yung daga, I have arrived at a conclusion na hindi pala talaga ganun kabaho ang boss ko, he just smells kinda funny)
- Hindi pa ako nakakapanood ng Transformers, I feel such a loser.
- Ang daming utos na pinapagawa sa akin! Yung website ilang beses na ako kinukulit eh sabi ko nga na ang alam ko lang na i-maintain na website ay MULTIPLY, FRIENDSTER, MYSPACE at FACEBOOK! Anover!
- At marami pang ibang hinanaing na masyado na sigurong maliit para banggitin ko pa dito...

Kanina, ang dami ko ulit trabahong ginawa. Kanina din, mas marami akong natutunang bagay tungkol kay Morris. Dati kase napapaisip lang ako kung ano ba background ni Morris at paano siya napasok sa kalakarang ginagalawan niya ngayon. Naisip ko kase na kase natural na sa lahi nila ang maging business minded at kung ano pwede ibenta eh ibebenta niya.

Araw-araw ko nakakasama si Morris, I know how his usual day goes. Kanina, ang dami ko natuklasan about him particularly kung ano ang pinagdaanan niya at kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon.I know na he is having a tough time at work with his bosses breathing down his neck. I feel all the pressure he is going through. And today, I think should be the worst day he has had in 3 weeks. Syempre, based to sa obserbasyon ko kase 3 weeks pa lang naman ako sa trabaho. (Yes I survived!)

Iisa-isahin ko ang mga pangyayari:

- Kahapon nakipagmeeting si Morris sa mga cliente, wala siya halos the entire day kase kelangan niya makabenta ng mga paninda. Balita ko hindi siya nakakain man lang ng tanghalian. Araw-araw may baon si Morris pero hindi niya araw-araw ito nakakain.
- Kaninang mga bandang umaga eh pinatawag na naman siya ng boss niya at nasabon. This has been happening for the past few days.
- Mga bandang bago magtanghalian ay dumating ang gumagawa ng computer. Ilang araw na kaseng napakabagal ng PC ni Morris, hindi siya makapagtrabaho ng maayos. Simula kahapon, hindi na niya magamit ang PC niya kaya kinailangan pang bumalik ulit nung techinician para ayusin.
- Habang inaayos ang PC ni Morris, biglang tumawag ang isa sa mga supplier niya. May ipinababalik na mga items at ang banat pa ng supplier niya, kapag di niya ibalik agad eh iipitin niya ang natitirang shipment na ipapadala. Eh karamihan sa mga ipapadala pa lang na items ay naibenta na ni Morris. Ipit kung ipit.
- Nung pinatingnan ng techinician kay Morris ang PC niya, natuklasan ni Morris na hindi pala na-back up ang files niya na naglalaman ng mga cliente niya at lahat ng ni-lay out niyang gagawin niya simula nang mag-umpisa siya. In short, sobrang importante nyan, para siyang United States of America sa yaman na biglang bumalik sa Stone Age. In short, start from scratch.Yun ang unang beses na nakita kong naghoromentado si Morris. Usually kase tahimik lang siya, palangiti, friendly at maayos makipag-usap. For the first time I heard him sa the F word. Ang tindi.

Iisipin niyo na normal lang ang ganyan sa trabaho pero what I would also find out afterwards is something na talagang nakabagbag sa aking damdamin.

Nagsend sa akin ng email si Morris, nakisuyo na kung pwede ay ipagprint ko daw siya ng sulat na yun through Microsoft Word. Eh di ako naman sige pumayag naman tutal madali lang naman diba? So nag go over and above na rin ako, inedit ko na rin ang mga grammatical errors niya so in short, hindi ko naiwasan na mabasa ang sulat.

Kumpara sa mga hinanaing ko, tingnan niyo ang mga pasanin ni Morris:

- Sa sulat na pinaprint niya sa akin, I learned na he is applying for scholarship for his 3 children. He has 4 kids, the youngest is 1 year old. Nabanggit kase niya sa sulat niya na naubos na ang savings ng kanyang pamilya kaya sobrang gipit sila sa pera ngayon...

(I thought of another term other than INGGITERA - PAKEELAMERA)

- May isa pang pinasuyo sa akin si Morris, iprint ko daw lahat ng account activities niya. (Yes may access ako sa mga importanteng files niya, I bet meron na kayong hint kung sino si Morris sa buhay ko...) nakita ko na talagang gipit siya sa pera ngayon, ang daming overdraft sa account niya... (MAHADERA is another good word)

- Pinaphotocopy niya ako ng loan application. Naku, mukhang baon sa utang ito..

.- Nabulyawan na naman siya ng boss niya kase nga may hindi na naman siya nagawa na dapat matagal na niya ginawa... (This time may kasalanan na siya dito)

Tama ang theory ko, nalugi ang business niya kaya lumapit siya sa boss niya to invest money on his business so he has a new business na pareho lang din ang linya. When PJ (his VP for sales and my other boss) told me on one of our conversations that Morris has been through a lot in his life, he wasn't kidding. Si Apple naman, nahiritan lang ng konting pamemressure ng boss niya dahil nataranta na may customer na biglang dumating eh nagtampo na agad at nagsumbong na kay boss #2.

Sabi ko dati buti pa siya utos lang ng utos sa akin. Kaya naman niya gawin eh sa akin pa inutos, naisip ko, kung kaya niya gawin ang lahat eh bakit pa niya ako kinuha to work for him.

Thank God for his slight helplessness dahil dito, I have a job now.

Sabi ko dati, pabusiness-business lang siya, madami pera. Buti pa siya at kung mag-utos utos lang, boss na boss.

Thank God hindi ako ang nasa pusisyon niya at hindi ako ang nasasabon, nagigipit, naiipit at namomroblema.

Kung pagsama-samahin mo ang reklamo ko at itabi mo sa problema niya, wala akong binatbat. I totally misunderstood my boss, Morris. I thought na he's a jerk in disguise but I was wrong. Sabi ko nga sa kabilang blog ko na beneath that control freak is a nice person. Wow, ang dami ko na naisulat about him. For some reason, no matter how stressful our day to day encounter is, I still manage to arrive at a realization like this. Thanks to Morris.

He may not know it but for some odd reason, he has touched my life.

Before I went home, we discussed our agenda the following day. Nabanggit ko sa kanya na I try to access my work PC from home every night, nangiti siya sabi niya nakakawili nga daw talaga kase kahit siya.

Sabi ko, "I know, I just wanna do whatever I can to help." For the first time, may nasabi akong parte ng mga nice words na plinano ko before sabihin.

He smiled again, for the first time, nafeel ko ang sincerity nang banggitin niya ang

"Thank you." sabay ngiti. And this was moments after he got into another argument with his boss.

Iba ka Morris, hindi mo lang alam. Hehehehe!

No comments:

Post a Comment