Wowowee!
I am back from the dead! Ayus! Ang tagal ko din pala na hindi nag-update ng blog ko ah... Napakatagal marahil nakalimutan niyo na nagsusulat din pala ako ng blog... Oh well! Ganyan talaga ang buhay... Matagal din kame nag-cool off ng computer dito sa bahay. Kahit nga pagpopost ng pictures hindi ko din kinarir for the past few weeks.
Hindi naman ako masyadong ngarag sa trabaho. Sa katunayan nga eh kung titingnan niyo katawan ko ngayon eh parang nahihiyang nga ako sa stress at pressure! Bwahahaha! Saan ka pa! Ayan o tingnan niyo picture ko sa baba kung gaano ako kabochog ngayon! The one I am with is my very good friend Kristine, kakosa ko sa opisina. She's one of my best girlfriends at work. =) Sa likod namin makikita niyo ang iba-ibang items na nilalako namin sa kung sino-sinong Ponsyo Pilato na gustong bumili! Bwahahahaha!
Sino nga naman ba ang hindi mahihiyang sa trabaho: mabait na ang mga kasama mo, nadiscover ko pa ang mga kung ano-anong kainan sa paligid ko. Andyan ang mga fastfood sa Citadel Factory Outlet na napakalapit lamang sa amin. Special mention to my favorite places to eat: Panda Express, Maui Style (SPAM Musubi is so yummy!), American Wraps (Their Greek sandwich is sooo yummy too!) and ang walang kamatayang Sbarro. Malupit ang Citadel, solve ka na sa craving mo sa pagkain, pati pa pagiging gastadora at shopingera mo, solve din!
Andyan din ang aking paboritong kainan na Tamayo's na isang Mexican Resto na malapit sa amin. Kamusta naman! Tuwing sweldo ay hindi namin pinapalampas ni Mikki ang pag-kain namin dun! Si Mikki nga lang eh mahina kumain, ewan ko pero siya ang pinakamasipag magyaya sa akin lumabas. Lately sumasabay na siya sa pace ng pagkain ko pero for some reason, di siya nataba. Hmmmm...
Ayan nga pala ang larawan ni Mikki. Siya ang aking first friend sa Pacesetter, isa sa mga tinuturing kong best girlfriends ko sa work. Swerte talaga ako sa kaibigan. =) Ayan o hindi siya tumataba kahit masigasig siya magyaya sa akin kumain sa labas! hehehehe!
Nadiskubre ko din ang sarap na taglay ng mga pagkain galing sa Lunch Truck ni Elena! Para sa mga hindi nakakaalam, ang LUnch Truck dito ay katumbas ng ating Jolli Jeep sa Makati. Ilan samga paborito kong orderin ay:
- Chicharones (super crispy na pork na parang lechon kawali natin na fried to perfection sa lutong sabay budburan mo ng maraming onions, cilantro and salsa sabay maghiwa ka ng jalapeno! SOLVE)
- Chicken wings with fries (yummyness!)
- Watermelon Shake (ay sus ginoo gid! Napakasarap! Bwahahahaha!)
Ang maganda pa dito ay lahat ng ito ay makukuha mo sa halagang 5 dollars lang kada-meal. Which is way cheaper than getting food outside.
Ngayon ay naiintindihan niyo na kung bakit ako lumolobo ng ganito. Anak ng tipaklong naman kase, kapag wala ka baon, may dalang maraming pagkain mga kasama mo sa opisina. Ayus lang, at least solve solve...
Maiba tayo ng konti... Pero medyo related naman ito sa topic ko. Kanina narinig kong nag-uusap ang mga kaopisina ko tungkol sa isang epektib na diet. Napunta bigla ang usapan sa mga linyang "naku dati mataba ako, ngayon I lost weight na!" sabay pakitaan na ng larawan.
Ayus, panalo nga ang taba nila dati! Si MJ, chubby-chubbyhan nga, napakalayo sa katawan niya ngayon. Kinalikot pa namin ang pics nila nung Christmas Party nila last year, si Ms. Tess, she lost weight too. Si Pareng Jeh, ganun din ang taba nung bagong dating. I would like to think that it's just because bagong salta ako dito kaya tumaba talaga ako, pero come to think of it, 3 months na ako dito at hindi pa rin bumabalik sa dati ang weight ko.
Teka nga, gaano nga ba ako kapayat dati? Hmmm... Habang ang iba ay nagpapakita ng mga chubaboy pics nila, ang pinakita ko ay ang payatot pics ko. Nakakatawa lang kung gaano kataliwas sa mga pinapakita nila. Wala lang, makijoin lang kaya show ako. Ito ang mga naipakita ko:

I mean, fine, hindi ako skinny biatch dito pero naman hindi naman mala-siopao mukha ko masyado kumpara ngayon diba??? Ito pa ilan sa mga WHAT USED TO BE pics ko:


And the list goes on.. Hay... Those were the days! Pero ito yung pinaka malupit sa lahat! Sleeveless and all... Pero yun lang, sungki ang ipin ko! Bwahahahaha!

Anong masasabi niyo??? Braces na lang! Bwahahaha! Pero tapos na ako sa bakal moments ko. Sa tingin niyo, papayat pa kaya ako dito???
Naalala ko tuloy bigla ang sinabi ng isa kong kaibigan:
At least maganda ka kahit mataba ka, diet lang patok ka na. Matalino talaga si Lord, hindi niya ibibigay sayo lahat ng ganon kadali!
Ayus! Bwahahahahahahahahaha!
No comments:
Post a Comment