Nakupu... Excited na ako... Parang first day of school ko, magagamit ko na yung bagong stroller and pencil case and sign pen and baunan ko... Hehehe! The only difference is, first day ko sa work.
What have I learned from my previous job? Bukod sa mga bagong applications and pagbebenta ng kung ano-anong products na pinatahi namin galing ng China, below would be some of the most valuable lessons I've learned:
- The bus will not wait for you. Kahit habulin mo pa siya hanggang sa next bus stop, hindi hihinto ang driver not unless designated bus stop niya yun. So you have to be on time.
- Always have spare change para sa pagbubus mo. A bus pass is an option but you have to make sure na pang-matagalan ang trabahong pinapasukan mo. Baka naman kase bili ka ng bili ng bus pass tapos wala ka pa palang isang buwan sa trabaho mo ligwak ka na. Sayang naman.
- Never take the first vacant seat that you see. It is better na ikaw na ang mismong pumili sa maswerte mong makakatabi kesa ikaw pa ang piliin ng kung sinong DOM. I am talking from experience, of all the people na loloko-loko sa akin sa bus, isa pang matandang Pinoy na lalaki! Shet! Nakakainis!
First day ko nun sa unang job ko. So sige ride ako ng bus, hindi naman ako naiwan kase excited ako nun at first day ko. So sige sakay, hulog ako ng pamasahe ko tapos the first vacant seat I saw upo ako. Yesss, prinaktis pa namin to ng Daddy and Mommy ko kung paano ako magcommute kaya confident ako.
Hindi lang ako napraktis kapag may manyak na DOM na tumabi sa akin...
So andun na nga yung bus sa Vermont corner Carson. Nagsakayan na ang mga pasahero, madami ding Pinoy na katulad ko na papasok sa trabaho. Commute sila, mahal daw kase ang gasolina. Ayan merong papalapit sa akin na isang mama, late 40s na siya. Nang makita bakante ang katabi kong upuan tinanong ako in English: "May I sit beside you?" (with matching accent pa yan ha)
"Sure."
Maya maya kamo hindi nakapigil yung lalaki, "Are you Filipina?"
"Opo" (ayan ha magalang ako. Kung type ko siya, OO lang ang isasagot ko hindi OPO. Mukhang hindi niya nagets yung signal ko.)
So ayun na nga, eh di nag-umpisa na ako chikahin ng mokong na yun. Ako naman syempre magalang, mabait and alam ko na makakasabay ko siya araw-araw kase iisa lang naman ang bus na sinasakyan namin. Tanong siya, taga-saan ako sa atin, sumagot naman ako. Kung papasok daw ba ako ng trabaho? Saan daw malapit ang bahay ko.. Kaching kaching! Dun na nag-umpisa...
"May boyfriend ka na ba?"
(Buti na lang suot ko yung singsing ko na sinabi sa akin ng Tita ko na wag ko isuot kase daw baka hindi daw ako lapitan ng mga lalaki kase isipin may asawa na ako...)
Pinakita ko ang kamay ko: "May asawa na po ako..."
"Ah ganun ba? Ang swerte naman ng asawa mo..."
(Silence)
"Alam mo ha, hindi naman sa pinagdadasal ko na maghiwalay kayo pero kung ako ang asawa mo, hindi na kita pakakawalan..."
(Gusto ko nang mag-amok sa puntong yon... Pinigilan ko lang sarili ko...)
*Smile na lang*
Sabay nung wala nang masabi, naalala niya na taga-Laguna ako. Nag-umpisa ba naman na mag-name drop na kesyo kaibigan ko yung mayor ng kwan pati yung congressman ng ganitong probinsya eh kamag-anak ko. And the list goes on.
Loob loob ko, eh kung big time ka pala eh bakit ka nagba-bus??? Pinigilan ko lang sarili ko. Buti na lang bumaba na siya...
Whew! What a relief... Bawal magtaray, baka abangan ka na lang bigla nyan sa kanto...
Marami pang makukulay na karakter sa bus. Marami ding mababaho. Namiss ko tuloy ang bus sa atin, may sariling terminal, ibababa ka kahit saan although as a driver, I know na nakakairita pero nakakamiss...
Kakatawag lang pala ng pinsan ko, idadaan na daw niya ako sa opisina at susunduin pauwi. Buti na lang, ang poproblemahin ko na lang eh yung SPAM na lulutuin ko na pambaon ko bukas. Kailangan magtipid kaya mas maganda na magbaon. Nag-stock na ako, namili para lang nung elementary ako bago magpasukan kumpleto na. Hehehe!
Wish me luck!
No comments:
Post a Comment