Yes! Whoever said na Wonder Woman ako ay maaaring tama! (Thanks Glen!) because I am vack with a vengeance! Bwahahaha!
Partida yan ha, pagod pa ako sa trabaho
ko araw-araw (well 2 days pa lang naman) pero nakukuha ko pa rin na mag-blog. Wala lang, gusto ko lang naman na updated ang fans ko sa day to day activities ko.
JOKE! Ang kapal amp! Bwahahahaha!
Bago ang lahat, ilang walang kwentang pictures nung first day ko. Hindi ko natanggal ang camera ko sa bag ko, batt empty pa pero tiyagaan lang. Ayan tingnan niyo, pakalat-kalat lang ang mga larawan sa blog ko. Yung meeting room, nasa left ko, yung receptionist namin sa kanan ko... Hindi ko nakunan yung nasa harap ko eh, yung pinto... Bwahahaha! (Yung unang larawan ay kung saan ako ininterview, yung pangalawa naman ay ang reception area, at isang solong larawan ko bago ako mag-umpisa! Hahahahaa! VAIN!)
I just had to blog to say that I am thankful sa bago kong trabaho. Sabi nila na you should be thankful kahit gaano man kalaki or kaliit ang sweldo mo kase meron kang trabaho. I am very thankful kase it's not just the pay, I am thankful kase super bait ng mga kasamahan ko sa trabaho. Wala akong masabi.
Mabait din naman yung mga naging kasamahan ko sa previous work ko pero one thing I learned, mas mahalaga ang mabait na boss kesa sa mabait lang ay ang mga kasamahan mo.
Magkapareho lang ng lahi yung luma kong boss at itong bago pero ewan ko, ayoko naman mag-stereotype ng lahi nila pero kase minsan may ugali. Nasanay lang siguro ako sa mga Pinoy na katrabaho.
Comfortable ako sa bago kong job. It only took me 2 days to finally say na I have successfuly blended in. United Colors of Benetton ang dating namin, pwedeng magkaroon ng Ms. Universe pageant sa loob ng opisina namin: may mga Jews (bosses namin and the owner), Indian (nag-iisa lang siya), Mexicans (napakarami nila), Filipinos (napakarami din namin kaya okay), Caucasians/Onaks (Mangilan-ngilan), Chinese, Japanese, African Americans at alam ko meron pa akong ibang mga lahi na hindi nadidiscover, 2 days pa lang naman kase ako. Everyday is a new day, may nakikita akong bagong karakter everyday.
Thankful din ako kase awa ng Diyos, hindi ko na kailangan na mag-bus papasok at pauwi. Ang butihin kong pinsan and butihin at maganda kong Tita (wow ubod ng sipsip!) ay hinahatid at sinusundo ako sa work. Kanina nga hindi na ako kailangan sunduin ng tita ko sa office (which is 3 miles away from them lang), hinatid ako ng mabait ko kaopisinang si Yoseff sa pinakamalapit na babaan malapit sa opisina ng tita ko. Gusto sana ako ihatid hanggang Torrance pero sabi ko di pwede, stirck ang parents ko. JOKE! Hahaha! Sabi ko wag na, sasabay na lang ako sa pinsan ko. Pero syempre in straight English...
I am thankful na ang pagtitiis ko ay slowly naman nagpepay-off. Malayo pa ang lalakbayin ko, marami pa akong proseso na dapat pagdaanan sana naman at the end of the day, maging maayos ang lahat. I would like to thank my manager and my (modeling) agency for the opportunity. Aba dapat lang, bayad sila eh! Bwahahaha! Kidding! Pero in fairness, napakabait ng mga kasama ko dito, all out support kahit minsan napapagalitan ako. Keri lang.
Oh before I end this blog, may ipananawagan sana ako:
Sino sa inyo marunong gumawa ng website? Tulungan niyo naman ako! Familiar ba kayo sa X-cart??? Wala to sa job description ko pero what the heck, be flexible so that you will be indispensable sabi nga ng aking butihing kaibigan/idol/playmate/kabatak/kakosa! Hehehehehe!
And huli sa lahat:
HAPPY 4th OF JULY! Wala akong pasok bukas! Panalo! Hehehehe! Amoy pulbura na ang hangin dito, ayus!
No comments:
Post a Comment