- To count coins to use for my bus ride going to work. Before kase I would only use paper bills or quarters kase yun lang yung sure fire way na hindi ako magkukulang or sosobra sa bus. Natuto na ako na gumamit ng dime and 5 cents. Ang galing ko na!
- Na swerte ako sa nakuha kong work kase nakakapag-carpool ako sa mga Tita and pinsan ko. =)
- Na yung trabaho ko pala sa Pilipinas, kahit stressful, is nothing compared to my current job now. Iba talaga ang nag-uumpisa, lalo na yung nag-uumpisa dito sa US.
- Na kahit saan, maaamoy mo talaga ang Pinoy. Sa nakaraang mga araw, by the way, I survived 2 weeks at work, ang dami ko nang bagong friends, both sa work and sa phone! Bwahahaha! Phone pal? Nah, we work closely kase with other companies eh, puro din Pinoy.
- Na the moment you get used sa work, parang hindi mo na napapansin na nasa ibang bansa ka na pala. Na sa weekends hindi mo makakasama yung mga friends mo sa Pinas na nasanay ka na na kasama mo tuwing weekend. Wala ka ng ibang gusto kung hindi matulog na lang ng matulog.
- Na magbaon araw-araw sa trabaho kase mas makakatipid ako.
- Na pwede ka tumanggi sa utos ng boss mo kapag sa tingin mo ay hindi naman makatarungan. Gone are the days when your boss demands something and you know that it is really impossible eh gagawin mo pa rin kahit matuyuan ka na ng dugo. Iba talaga dito sa Istets.
- Na kaya ko pala na hindi maglaba for 2 weeks at may matitira pa akong mga damit na pang-one week. I have the tendency to just keep on wearing my favorite clothes, hindi ko na nabigyan ng time to shine ang iba kong mga damit.
- Na dahil 2 weeks na ako na hindi naglalaba ay kailangan ko na maglaba or bumili na pandagdag na underwear. Yes, panties! Bwahahaha! Sa dami ng damit na nabibili ko, matagal na pala ako di bumibili ng underwear. Naku baka isipin niyo na bacon na at butas ang panties ko ha, 2 months ago pa ang last kong bili and hindi pala tatagal ng 2 weeks ang stock ko ng panties... Although, marami din ako thongs.. Thongs pantulog? Nyeh!
- Na matagal na panahon na rin pala na hindi ako nagpaplantsa ng mga damit na sinusuot ko, and still, I manage to look really sharp! Bwahahahaha! (joke lang) But seriously, para lang hair, wash and wear. Panalo.
- Na clothes, shoes and bags don't have to be expensive or branded. Nasa galing mo yan na maghanap ng great bargains, great places to shop na mura compared to well-known brands but would still look great on you. Nakakabili na ako ngayon ng signature items na 80% less the original price. Ayus!
- Na masarap pala kumain sa mga lunch trucks. Reminds me of the Jolli Jeeps we have sa Pinas. Sa halagang 5 dollars eh complete meal ka na. Sarap!
- Na kahit na slave driver ang boss ko (I call him "Tatay") eh siya pa rin ang pinakamabait na boss na makukuha ko sa work. Never shouted at me, very patient kahit na minsan eh antipatiko and sobrang mag-pressure, eh mabait pa rin siya compared dun sa ibang mga boss dun. Well bukod sa kay Irvin na boss ni Mikki eh mabait din si Irvin. =)
- Na ako na lang ata ang hindi pa nanonood ng Transformers sa buong mundo. Ang dami ko na nababasa na reviews hanggang ngayon, wala pa rin akong malay sa pelikula...
At huli sa lahat, I learned na hindi ko pala kaya panindigan na araw-araw eh mag-blog. Natutuyot na sa trabaho ang utak ko pero keri lang. Hehehehe!
Sa uulitin, this is boring, but I don't care. Blog ko to eh, bakit ba!
No comments:
Post a Comment