I was supposed to name my blog "Hectic Monday" pero expected naman talaga ang busyness kapag Monday diba? Mine kase is something else, ewan ko kung dahil matagal lang ako nabakante or sadyang slave driver lang ang amo ko.
Akala mo naman napakataas ng sahod ko diba? Hindi ka pa nakakahinga ng konti, meron na agad siya iuutos.
Pinagawa niya ako ng layout ng Sales Order form namin. Naka-bente ata akong ulit nung walangyang form na yun eh ipapa-print naman pala namin sa iba eh bakit ko pa peperpekin diba? Pero sige, gawa lang ako. Smile kapag iaabot sa kanya, simangot pagkatalikod. Marunong naman makiusap, mahinahon naman ang boses kaya keri na. On second thought, wala pala ako narinig na PLEASE, pak shet siya! Bwahahahaha!
Yung isa namang mokong na VP niya eh pina-pick up lang namin yung labels sa warehouse sa downtown L.A. nawala na pagkatagal na akala mo eh pinapick-up mo sa New York yung package. Ugali pa ng mga yan eh kung kelan akmang pauwi ka na bigla na lang mag-uutos sayo. Kanina nga sinabi ko, sorry, I am done for the day. I wouldn't want to keep my cousin waiting. Natahimik siya sabay sabi, oh yeah it's okay, no rush.
Makita lang ako minsan na nabakante ha, to think na I don't take my lunch, tatanungin ka na nyan bigla: "Update me, what are you doing?" Ayus! Kala nama kase petiks ako. Eh hindi na nga ako makaalis ng upuan ko para man lang makakain ng maayos eh. Sinabihan pa ako na mag-lunch daw ako ng maayos sa pantry kase napag-uusapan daw sa taas ang mga taong kumakain ng lunch na nakaupo sa workstation. Gusto ko sana banatan na: "Bawasan niyo kaya trabaho ko para makakain ako maayos?"
I realized na nag-uumpisa na ako mag-stress eating. Alangya! Akala ko papayat ako sa trabaho ko pero mali pala ako. Everytime ata na sunod-sunod ang utos sa akin eh sunod-sunod din ang subo ko ng pagkain eh. This is bad... Pero keri lang.
I realized na I have changed a lot compared to my previous job. Dun sa dati kong job, tahimik pa ako, hindi marunong mag-push back and mag-reason out. For someone na walang ginawa sa Pilipinas kung hindi dumaldal sa tao, for the first time dun sa previous job ko eh tiklop ako. Siguro kase adjusting pa. Ngayon naman, pabibo na ako, natuto na ako eh. Marunong na rin ako tumanggi, hindi pwede kunin ang weekends ko sa akin kase yun lang ang break ko. Kaya siguro kung sulitin nila ako madalas, panalo. I feel so used...
Maiba tayo ng konti, ewan ko ba talaga kung ano meron dito sa States bakit ako lapitin ng mga older men ha...
Umoorder ako ng supplies so I was shopping around for the best deal. Tawag dito, tawag dun. Hindi ka talaga makakaiwas na maka-chempo ng Pinoy.
Allen ang name niya, supplier namin sila. First time namin usap, ayus lang. Feel mo na agad na Pinoy siya eh, rinig mo na pala agad. Syempre alam niyo naman kapag nagkausap ang dalwang Pinoy, kala mo eh matagal na magkaibigan.
Eh di chika lang tungkol sa order, maya-maya tanong na siya, may contact number ka ba?
Kako wala pa, kase hindi pa nakakabit ang phone sa desk kong bulok, sa boss ko na number yan kase siya naman magbabayad.
"Ah, kala ko kase ibibigay mo na sa akin ang cell number mo Ana eh... "
"Panalo ka Allen! Matanong nga kita, ilang taon ka na ba?"
"Mga 30 something..."
"Anong 30 something? Bigyan mo ko ng saktong number"
"35 years old."
(Ayus! Parang naalala ko si Tom Cruise and Katie Holmes! Ang tanong, kasing-gwapo ka ba ni Tom Cruise???)
"Eh ang tanong single ka pa ba?"
"Oo naman!"
"O sige yun lang, babay na, papatayin na ako ng boss ko."
"Ang daya naman ng tanong mo, sige na nga, next time na lang."
Ayus! 10 years ang difference! Nireto ko na lang siya sa friend kong si Mikki na ka-edad niya. Pero ano kaya hitsura niya no? Malay mo panalo eh di akin na lang! Bwahahaha!
JOKE!
Ano na naman kaya mangyayari bukas?
Makakapanood pa kaya ako ng Transformers?
Hay...
No comments:
Post a Comment