Saturday, September 12, 2009

Mga Aral ng Buhay ayon kay Apple: Barn Buddy

Okay guys, wag tayo masyadong seryoso ha, trip trip lang ito.

Do you guys know Barn Buddy? It's that Facebook farming game that's quite popular right now. I am so hooked on it, just like how hooked I am on Farmville, Farm Town and some other Facebook games.

I obviously have a lot of free time that's why I get to manage so many kinds of Facebook games. Sometimes you would ask, ano nga ba ang nakukuha mo sa paglalaro ng mga yan sa Facebook? Do not get me started, maglilitanya ako ng maraming bagay tungkol sa kapupulutang aral sa paglalaro nito.

Para ka na rin nagtanong kase: ano ba nakukuha mo sa paninigarilyo? Kung chain smoker ka, marami kang mabibigay na dahilan kahit alam mo sa sarili mo na masama ito sa kalusugan mo. Masaya ang Barn Buddy pero isipin mo, mas marami pang mas productive at mentally stimulating activities na pwede mo gawin, maglinis ka kaya ng bahay? (I was talking to myself, and for the record, I do not smoke na... Example lang.)

You can learn a lot playing Barn Buddy, here are some of them:

1) You learn that patience is a virtue. When you start planting those seeds, you have to give it some time to grow before you harvest them. O diba? Very basic, siguro naisip din yan ng mga developers.

2) That hardwork and perseverance pays off. As you patiently check on it, carefully removing the weeds and bugs that damage your plant hanggang sa maging ready na siya for harvest. Also, pagtatiyagaan mong isa-isahin na puntahan lahat ng neighbors mo, nagbabakasakaling meron na rin silang ready for harvest which you can "steal" from them. Oo, sa game na ito, pwede ka magnakaw. Walang tiyaga, walang nilaga. (kumpleto rekados ng gulay pang-nilaga sa Barn Buddy)

3) Na sa buhay ng tao, minsan, ayus lang na medyo i-bend mo ang paniniwala mo. Be open minded, alam ko na sabi sa inyo ng mga magulang niyo na bawal magnakaw. Pero sa Barn Buddy, kasama sa game mechanica ang pagkuha ng prutas ng kapwa mo, at kung sabi na ito ay makakatulong sa pag-asenso mo sa laro, bakit nga naman hindi. So if stealing is breaking the law pero Barn Buddy's rules say na it's okay to steal to make more money and advance, for once in your life. sumusunod ka sa patakaran at kalakaran by doing something na pinaniniwalaan mong lumalabag sa batas. Sabi nga nila, para-paraan lang yan. Ang pikon, talo, this goes out to those neighbors na nakuhaan ko na ng prutas at gulay! Ahahahaha! ;) Again, wag natin masyado seryosohin, alam niyo naman ang tama sa mali.

4) Na minsan, it is also good to use your connections to advance sa buhay. May mga tao na sobrang tuwid, minsan naman hindi naman masama if you pull some strings. Masarap din minsan if you have the right connections, diba? So to get the dog to guard your crops, you invite neighbors to play! Ayus ba ang analogy ko? Makes sense diba?

5) At isa sa mga pinakamahalagang aral na mapupulot sa larong ito ay ang concept ng good karma. When you visit your friends' farms, you help them by removing bugs and weeds pero di ka naman umaasa ng kapalit syempre pero alam mo pa rin na sa ginagawa mong yan ay gumagawa ka ng kabutihan sa universe kaya may magandang babalik sayo: kamusta ang coins at experience? Bwahahahaha! Ipilit lang talaga no?

Wala lang, naisip ko lang while I was stealing, weeding and de-bugging kanina sa Barn Buddy! Kayo, ano natutunan niyo sa walang sawa niyong paglalaro sa Facebook? Ahahahaha!



Unti unting mararating, kalangitan at bituin... LOL!

No comments:

Post a Comment