Pasensya na sa mga hindi nakakaintindi ng salitang Filipino, wala akong magawa kung hindi isulat ang note na ito sa salitang Filipino...
Mahirap talaga kapag masyadong malawak ang network mo sa mga social sites na katulad nito. Dito na lang sa Facebook eh kaibigan ko ang aking boss, ilan sa mga ka-opisina ko kaya kung meron man ako na gustong ikwento tungkol sa pagliban ko sa trabaho today, kailangan hindi derechong salitang banyaga. Mabubuking kase ako...
Hindi ako pumasok ngayon. Marahil ay nababasa niyo sa aking status message dito na I AM GETTING READY FOR CHANGE. Ang tinutukoy ko dun is my decision to move in and share an apartment with my good friend Tessa. Sa madaling salita, hindi ako nakapasok kanina sapagkat inasikaso ko ang paglipat ko sa Glendale. Ayoko kase abutan ng Monday, ayoko na magbayad ng rent, sayang naman. Ang nirason ko sa trabaho eh kailangan kong makipagkita sa abogado ko. Ayus no?
I just want to share how excited I am and how I feel sooo positive about this decision. Hope everything turns out great! =)
No comments:
Post a Comment