Tumawag ang kaibigan ko... Actually nag-text siya sa akin tinatanong kung ano ang gimmick ko tonight. Wow parang merong ESP ang mga kaibigan ko dito, nafeel siguro nila kung gaano ako ka-busy doing nothing lately.
Hindi ko pa alam kung papayagan ako or kung makakasama ako kase nga grounded ako eh... Yes, ako ay 25 years old na sa October and I still get grounded. Mahabang storya and I would rather not talk about it... For now... Hehehehe!
Yun nga meron nga daw lakad tonight. I know that this will again involve alcohol. What is night out without alcohol diba? What is celebration without alcohol diba? Naku biglang nag-flash back sa akin ang aking unforgettable Jose Cuervo experience...
Pre-graduation celebration namin yun para sa pinsan kong grumaduate ng High School. Alam niyo naman na big deal ang High School graduation dito diba? So sige, ang mabait kong pinsan which by the way is only 17 and by US standards ay minor pa at hindi pa pwede mag-clubbing ay nagyaya uminom. Aba, nagulat kame syempre kase saan naman kame kukuha ng alak na iinumin namin. Hindi naman namin pwede kunin ang bote ng tequila sa bar ng aking butihing Tito diba? Ang magaling kong pinsan, may stock pala ng alak na nakatago sa cabinet niya...
Before I continue, I wish hindi ito mabasa ng mga kamag-anak ko dito... Bigla ko tuloy chineck yung contacts ko kase baka merong Multiply account mga pinsan and Aunts and Uncles ko dito sa California... Mahirap na... Wala naman kaya safe...
So anyway, meron siyang isang litro ng Jose Cuervo. Wow! It has been a long time since I got to party with Pareng Jose. The last time, wala masyadong effect kase there were like 6 of us doing the shots so syempre diba ano ka naman para mawasak kung 6 people kayo na naghahati-hati right?
Ilan nga ba kame na uminom: Yung pinsan kong si J at yung cousin in law ko na si J at ako... Ayus! Tatlo lang kame na nag-inuman, panalo to... Mukhang dito na mag-uumpisa ang pagkawasak ko.
So nilabas na namin ang Pillows (yes yung paborito kong chocolate snack dyan sa Pinas! Nakabili kame dito sa US! I am soooo happy!) at yung natitirang chicharong may laman (hindi siya Lapid's, made in the US siya pero masarap rin naman). Sige tanggera ako. Kunwari hindi ako palainom. Sabi ng pinsan ko kung sigurado daw ba ako na hindi ako umiinom eh kung tumagay daw ako sakto palagi... Ay nahahalata pala kapag manginginom ka pala.
Minutes turned to hours, before we know it, madaling araw na at kaunti na lang ang laman ni Jose. I would really love to go into details pero I totally blacked out. Although I do remember a few things:
- Meron akong kaibigan na nag-message sa akin... Lalaki siya... So magkatext kame based sa huli kong memory. Naaalala ko pa yung first part eh, pero yung mga after the 6th shot, wala na ako maalala.(Sabi ng mga pinsan ko, text daw ako ng text nun. Nagulat ako na pag-gising ko the following day, ang sabi ng guy friend ko: Apple, iba ang sapi sayo ni Jose Cuervo, you should read the logs)
Patay! I had the worst case of drunk texting... Kids, if you're drunk and especially intoxicated with Jose Cuervo, make sure not to text someone from the opposite sex. Angela, we had this discussion last night about the effects of tequila sa atin and you should pretty much have an idea of what I am talking about.
IT IS EMBARRASSING! Buti na lang SUPER CLOSE KAMI! (Kung nababasa mo ito, buti na lang SUPER CLOSE tayo! Hehehehe!)
- Nabunggo pa yung paa ko sa upuan, pag-gising ko the following day, may dugo pala. Thank God hindi namatay ang kuko ko! OUCH!
Now if ever hindi ko maalala kung ano pa ang ibang nangyari nung gabing iyon, my cousin has a video kung ano-ano pa nangyari nun. May pics pa nga but I would rather not post it kase hindi ko idol si Lindsay Lohan.
I woke up with the worst hang over. My Tita asked me what happened to us ang naalala ko lang ay tumango lang ako and then went back to sleep. Shet...
Tips for bad hang over: Drink a lot of gatorade (dehydrated ka kase. I smelled Jose sa pawis ko I swear), drink one bottle of beer and take Aspirin. I opted for the aspirin and the bulimic-maneuver. Yes, dukutin para lumabas... (Shet that is gross!)
Buti na lang mga pinsan kasama ko sa pag-inom. Make sure you choose your group wisely when you drink. ;-) Bottom line is, do not drink more than you what you can handle. I was lucky I was with my cousins and at home.
What a night! VIVE CUERVO!
No comments:
Post a Comment