Ilang tulog na lang, trabaho na naman! Hay, parang pagkain sa Jollibee ang inaabangan ko pero hindi... Balik na naman ako sa pagbabanat ng buto.
Saturday na dito, 1:01PM to be exact. I am home alone kase ang Tito ko nasa trabaho, ang Tita ko dapat rest day niya ngayon pero nasa trabaho din siya. How dedicated... I don't wanna end up like that... Pero kung bayad naman and matindi pangangailangan ko, bakit nga ba hindi diba?
My cousins just called me. "Ate Apple, we wish you're here with us! Our room has a great view of the dancing fountain and we have a plasma TV inside the bathroom!" Yipeee! Ang saya ng buhay nila... July 6th pa ang balik nila from Las Vegas samantalang ako, ito, pacheck-check ng Friendster, My Space and Multiply... Blogging like there is no tomorrow (okay exag ng konti coz I have only written just one blog today...)
Woke up at 11AM, watched some Podcasts. I downloaded kase several Happy Slip Vlogs kaya I have enough to last me the entire day... Kaso natapos ko siya panoorin before lunch eh... So I guess computer na naman ang gagawin ko.
Tinawag ako ng butihin kong Tito bago siya pumasok. Iinit ko daw yung Mexican food sa fridge na inuwi ng Tita ko last night, yun ang lunch ko. Hindi ko naman siya naubos. Kapag nagutom ako, kakainin ko na lang ulit yung tortilla chips with Spinach dip ko. My favorite snack of the moment.
Wag kayo maingay ha, inupakan ko din yung Nutella namin sa pantry. Hindi ko naman inubos pero ang sarap eh. Masarap pala siya with toasted bread. Hay, namiss ko tuloy pinsan kong si Ina, she always makes me that sandwich kapag sinisipag siya. How sweet no?
So what's a girl like me to do now that I have nothing to do again? I can watch Hannah Montana (wow! What a grown up thing to do! Eh bakit ba? Walang pakealamanan!). I remember promising a friend na pupunta ako ng Beverly Center kase tingnan ko kung makakabili ako ng 2 Iphones. Pero naman, nakita niyo ba ang pila? Walangya, tinalo pa ang pila ng WOWOWEE! I dunno what's up with that gadget, ang mahal mahal, eh masaya na naman ako sa IPOD ko at sa pinamanang phone sa akin ng pinsan ko.
Marami akong bagong DVDs dito: Hannibal Rising, Freedom Writers, Vacancy, Shooter and ang pinakahihintay ko sa lahat: ANG CUTE NG INA MO! Papanoorin ko tong mga to kapag sinipag ako bumaba at magpipindot ng DVD player. For the meantime, hahanap muna ako ng pagkakaabalahan dito sa PC. Kaya nga ba lumalaki pwet ko eh... Wala na akong ginawa kung hindi umupo sa harap ng PC...
Bago ko pala tapusin to, naalala ko na tatawagan pala ako dapat ni Anj... Diba may lakad tayo dapat ngayon??? Ano na nangyari sayo???
Friends, any suggestion kung paano ko papatayin oras ko? (Literal translation of HOW I CAN KILL TIME) Panalo!
Miss ko na kayo... Kung andyan ako sa Pinas ngayon siguro nasa ATC ako nagkakape sa Starbucks or nasa Tagaytay ako or kung saan mang lupalop ng Metro Manila...
No comments:
Post a Comment