Wednesday, June 18, 2008

Nguess Huuu???

Nabuhay na naman ako! Nakakapag-post na naman ako! Hehehehe! It's good to be back!

Medyo naging busy ako sa mga nakaraang ilang buwan. Bukod sa bumukod na ako sa Tita ko at naninirahan na mag-isa sa Cerritos, nawalan din ako ng regular computer access sa bahay kase hindi pa ako nakakabili ng laptop (whatta loser!). I think kailangan ko ayusin ang priorities ko kase for some reason sumisikip ang cabinet ko sa mga damit, sapatos at bags pero hindi ko pa rin nabibili ang laptop na kailangan ko...

Marahil nagtataka kayo kung bakit nakakasulat ako ngayon kung wala akong internet access pa sa bahay. Well, multi-tasking and misuse of company resources lang ang tawag dyan. I get paid while using my time and the company PC for non-work related stuff. Bwahahaha! Model employee talaga! Bakit? Sino ba sa atin ang never nag-check ng Friendster, Facebook, My Space, Personal Mail and kung ano-ano pa na gamit ang computer ng opisina? Ang daming echusa pero gets niyo naman ang point ko diba? Para-paraan lang yan!

Naisip ko, from the time na sinulat ko ang huli kong blog entry hanggang ngayon, ano ba ang mga pinag-gagagawa ko?

Dun sa huli kong blog entry, nabanggit ko kung gaano ako ka-homesick. Well, homesick pa rin ako hanggang ngayon pero mas marami na yung moments na nafifeel ko na I belong here, na tama ang desisyon ko na magstay dito. Simula nang lumipat ako sa Cerritos ay nagkaron na ako ng chance na makagala kasama ang mga kaibigan ko. So nagkaroon na ako ng social life awa ng Diyos.

Tuwing weekends, fully booked ako. Fridays is for my Prayer Meetings. Oo seryoso ako, nag-aattend ako ng Prayer Meeting! Kaso nga lang for the passt few Fridays, fully booked ako like Graduation ng pinsan ko and stuff like that. I usually stay sa Santa Clarita, sa bahay ng aking butihing BFF na si Kristine and ng kanyang asawang si Deric.

May mga weekends din na sa bahay lang ako. Nagtutulog at nagpapataba buong weekend. Bwahahaha! Alam niyo naman ako, bihira ako uminom at gumimik pero a little bit every now and then is okay. =)

Sa trabaho naman, hindi na ako G.R.O. Na-promote na ako... Kase before sa first floor ako now nasa second floor na ako! bwahahahaha! Basta ibang monkey business na ginagawa ko. Ayus naman, keri na.

Sa love life naman, well, I have a life and lots of love? Hahahaha! I think that's enough? Ewan ko, wala pa muna akong makekwento sa aspeto na yan.

Anyway, sa mga nakamiss sa akin (feelingera ka!) marami pa akong updates sa mga darating na araw. Pero ang pinakamagandang nangyari sa akin lately ay siya:



Si Ysabella dela Cruz-Pagsuyuin, ang aking magandang pamangkin. Ang pinaghirapan kong punuin ang balikbayan box para mapadala sa kanya... Bwahahahha! Ang sarap maging Tita! Sayang nga lang, wala man lang ako sa Pinas para ma-carry siya... I love you Isabella!

Well, that's all for now. 'Till next time!

I know you love me...

XOXO
Gossip Gay! bwahahaha!

No comments:

Post a Comment