Wednesday, December 5, 2007

Kamusta ka aking Mahal...

Yes, I am back! Wala kase ang boss ko, umalis kaya ito nakasalisi na naman ako. Ika nga, when the cat is away, the mouse comes out and play.

Naisipan ko na mag-blog ulit kase marahil may mangilan-ngilan sa inyong mga kaibigan ko ang nag-iisip kung kamusta na ang lagay ko dito sa US. Ang masasabi ko lang, it was never easy, ganyan talaga ang buhay ng isang OFW. Hehehehehe!

Parang kelan lang, nag-resign ako sa Convergys, nagpadespedida sa bahay, nag-impake ako ng maleta at balikbayan box, sumakay ng eroplano, nag-stop over sa Narita at lumanding sa LAX. Would you believe na it has been 8 months since dumating ako dito sa US? Ang tagal ko na rin pala dito, tagal ko na rin nangungulila... (Naks!)

So what happened in the past 8 months? Hmmm, isa-isahin natin:

Sa Work:



Marami na rin akong blogs tungkol sa trabaho ko dito. Suma total ay nakaka tatlong trabaho na ako dito.

Una sa Glendale, isang araw lang ako nagtagal dun, kase mukhang babaratin ako nung amo ko eh.

Yung pangalawa ko naman na trabaho sa La Cienega, walking distance lang from the prestigious Beverly Center sa Los Angeles. Naging masaya naman ako dun kaso nga lang ang bilis nila ako ni-let go, after a month, I was out. Inisip ko na lang na mabait si Lord, mataas man ang sweldo ko, mukhang mauubos naman sa kaka-shopping ko at kakakain ko sa labas kung dun ako nagtagal. Hehehehe!



And finally, my current job. Before sa Commerce kame ngayon andito na kame sa aming sariling opisina sa Vernon. Tapos lately nabalitaan ko na babalik na naman kame sa luma naming opisina sa Commerce matapos ang ilang buwan lamang na pamamalagi dito sa aming current office. Grabe, almost 6 months na ako sa work ko na ito. Napakadami kong natutunan, maraming kaibigan ang nakilala at ilang lipat na rin ang naganap. Marami pa ring pagbabago na darating sa amin, some of these changes are a bit sad in nature basta ang importante, may work ako, yun na yun.

I cannot wait to move back to Commerce! Makakasama ko na naman ang mga friends ko whereas dito eh most of the time, ako lang mag-isa or yung dalawang boylets na bossing ko.

Sa aking Social Life:

Okay, sabi nila the best cure for homesickness at loneliness ay ang pag-gimmick at lakwatsa. For the first few weeks ng stay ko dito, that is what we did: Disneyland, Universal, kung saan saan na mga lugar na usually talaga pinupuntahan ng mga bakasyonista dito sa US. Nakipagkita din ako sa aking mga matatalik na kaibigan nung college, nakapanood na rin ng sine at nakapag-mall ng ilang beses kasama ang aking mga pinsan. Nagawa ko ang mga yan nung wala pa akong trabaho, pero nung nagkatrabaho ako...

Before I used to stay with my Tita so paminsan-minsan eh naisasama din ako sa kanilang mga lakad. Mahirap kase ang walang kotse dito eh. Kase naman ang talino ko, umalis sa Pinas na hindi nag-renew ng lisensya, very clever! Kaya ito, gusto ko man magmaneho eh hindi ko pa magawa. Pero soon, makukuha ko na ang aking lisensya, depende syempre kung ano maging kalalabasan ng alam niyo na.

Then I was asked to move in with my Grandma. Yes housemate ko na ang Grandma ko. Chance to bond with her and make up for the years na I wasn't able to spend with her. Naisip ko din kase babawi ako sa mga pagkukulang ko kaya okay na rin yung ganito. (Ang drama!) pero siyempre, kaakibat ng paglipat ko sa Bahay ni Lola ay ang pagdeteriorate din ng aking social life...

Nung umpisa, I would spend the weekends just watching TV and staying home. There was a time na naging buhay ko ay bahay, work, work, bahay. Buti na lang ay kahit paano eh naka-experience din ako ng outdoor activities like camping. Nakakalabas din naman ako paminsan-minsan pero kailangan paalamanan muna ng a week in advance. Hehehehe! I feel like a teenager again!

Things got better na naman lalo na now at nakikita ko na ang laki ng improvement ni Grandma from the time I moved in. She has regained her strength and she gets to do things na on her own.



So mabalik pala tayo sa social life ko, nawala kase kay Grandma. My social life includes once in a blue moon na night out and dinner with friends and cousins. Special thanks to sis Anj who was very tiyaga in picking me up everytime may lakad and to Mia as well. Ang aking mga college friends, they play a big part in easing my sadness kahit hindi kame nagkikita.



Special mention also to my Pacesetter friends kase yang mga yan, madalas din ako kaladkarin ng mga yan kahit saan. Kahit araw-araw na kame nagkikita, hindi pa rin kame nagsasawa na iextend ang pagsasama namin out of work kaya I super miss them lalo na nga at nag-move kame to Vernon. I will see you guys on December 15! =)



Oh yes and not to forget my dear friend Maion! Alam ko hindi kame madalas magkita nito dahil pareho kameng busy? Or dahil strict ang Lola ko? Hehehehe! But yes, I miss her and I know I will see her again soon. Thanks girlfriend, love you!

Sa Family Life:

I have been fortunate enough to have my family with me the entire time. They may be far from me but at least we're in the same country now! Hehehehe! Andyan din ang mga relatives ko na umaalalay sa akin no matter what happens.



My family is doing great, in fact, mukhang they are starting to really get settled sa Alabama with the new house and everything else. I am happy, at least unti-unti na narerealize ni Daddy ang kanyang dreams dito sa US. As for me, we will see, medyo mahaba-haba pa din ang lalakbayin ko. Hehehehe!



I miss my sister... There I said it! Lalo na now na she's pregnant and planning to get married soon, sana andun ako at kasama siya... Wish ko lang sana hindi muna siya mag-church wedding kase gusto ko abay ako eh! Hahahahaha!

And lastly, sa Love Life...

[Click here and type information]

Yes, for now, I leave this blank. Let me work on reviving my social life first then let's take it from there... Bwahahahaha!

To my friends back home:

Miss ko na kayo super... Hanggang ngayon may moments pa rin ako na nalulungkot kase talagang namimiss ko ang Pilipinas no matter how gulo the country is right now. I will see you again someday, sana soon no?

No comments:

Post a Comment